Tuesday, 26 March 2013
Shake-Shake
Alam ko di masyadong nakikita kung anong meron sa baso na to, pero eto lang masasabi ko, Masarap to!! Tuwing Summer, palagi akong gumagawa ng Shake. (di ko maalala ibang tawag nito ngayong ginagawa ko tong blog na to hehe). Refreshing, kasi ang init nga naman diba. Usually homemade lahat ng shake na ginagawa ko. ewan ko ba, pwede naman ako bumili nalang pero mas gusto ko pa pinapahirapan sarili ko. Paborito ko ang Avocado shake, Mango shake, strawberry-banana Shake ( yan yung nasa picture) at kung anu-ano pa. Ingredients nito, eto:
Strawberry
Banana
Fresh Milk
Sugar (optional, pero di ko nilagyan yung ginawa ko)
ice (pero di ko nilagyan to) Blender pa pala
Enjoy!
Ensaladang Mangga
Kapag ang ulam mo ay pritong isda, inihaw na gulay gaya ng talong, okra, sili at inihaw na isda; eto ang masarap na kasamang sawsawan. Depende sa'yo kung anong gusto mong ihalo dito, pwedeng Bagoong, Alamang, Patis, Suka, Asin o kahit wala. Tiyak na mapaparami ang iyong pagkain lalo na at salo-salo kayong pamilya, o kaibigan. Ang sabi nga namin sa Ilocano, "nag-imas-sen!" (Masarap sa tagalog). Kung minsan nga, eto lang ulam ko e, busog-sarap na! Wow, sobra ko namang namiss sa Pinas. sarap nito pag kumain ka na nagkakamay lang. Agawan kayo sabay kwentuhan. Hindi maaalis sa ating mga Pilipino ang magkwentuhan habang kumakain. Kung gusto niyo ng ingredients nito, eto:
Mangga
Sibuyas ( mas masarap kung yung sinasabing Lazona)
dahon ng lazona
Luya
Kamatis
(Depende na sa inyo kung gano karami ang ilalagay)
napaka-simple pero Naman!! ang sarap ng kain!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)