Saturday, 27 April 2013

Baked Shrimp in Lemon

Wala akong magawa at nag-isip ng kung anong pwedeng lutuin. Lunch namin longganisa, kaya sabi ko luto ako ng gulay o kaya seafood. Wala naman akong gulay sa fridge kaya siyempre nanalo ang seafood. Natikman ko na to na niluto ng pinsan ko, pero magka-iba kami ng seasoning kasi di ako kumpleto ng mga ganun. Eto ang ingredients ko:

Shrimp
Butter
Lemon (sliced)
Garlic powder
Pepper
Chili flakes
Salt to taste
Italian seasoning (yun ang wala ako kaya yung apat ang ginawa kong seasoning, pero kung meron kayo nito, wag niyo ng lagyan nung mga ibang seasoning). 350 degrees for 15 minutes

Instruction:
1. Sa isang baking pan, spread niyo ng melted butter.
2. I-layer niyo yung kalahati ng na-sliced niyong lemon.
3. Sa isang bowl, ilagay niyo yung nalinisan ng shrimp tapos toss niyo shrimp sa remaining ingredients.
4. Pagkatapos i-toss, i-layer na rin sa pan yung shrimp. Yung natitirang sliced lemon ilagay niyo na rin sa ibabaw ng shrimp.
5. Lagyan niyo ng butter sa ibabaw ng shrimp.
6. Ilagay na sa oven and bake for 10-15 minutes. Wag masyadong patagalin kasi pumapait ang lemon pag over-cooked.

Ayan ayan. Sana naintindihan niyo ha. Lapz na!

No comments:

Post a Comment