Tuesday, 23 April 2013

Paksiw na Sili at Talong

Eto ang pinaka-paborito ko lahat, ang paksiw na sili na may talong. Kapag nagluto na si Auntie ko ng ganito, sigurado taob ang kaldero. Hindi nawawala ang tanim na sili sa bukid nila Lolo at Lola. May sitaw, talong, calamansi, kalabasa, amplaya at marami pang ibang klaseng gulay ang tanim nila. Eto ang masarap kapag nakatira ka sa Probinsiya at malapit lang sa bukid. ( na pag-aari niyo ha). Okay okay eto na ginamit ko sa lutong ito:

Siling-haba
Talong
Sibuyas
Bawang
Luya
Pamintang-buo
Bagoong
Suka

Paano ko niluto? Eto:

1. Magpakulo ng tubig sa kaserola. ( wag masyadong maraming tubig, mga 2 cups ayos na depende sa dami ng gulay mo)
2. Kapag kumulo na, maglagay ka ng bagoong sa bowl, kuha ka ng tubig sa kaserola, ilagay sa bowl na may bagoong at saka ibalik mo sa kaserola habang sinasagat ito. ( para hindi matinik) or kung gamit niyo naman yung sabaw lang o boneless bagoong, ilagay niyo na ng direkta sa kumukulong tubig. Tantsahin niyo yung lasa, wag masyadong maalat.
3. Pakiluin ng 3-5 minutes ang tubig na may bagoong.
4. Ilagay na ng sabay-sabay ang mga gulay, sibuyas, bawang, luya at pamintang-buo.
5. Kapag medyo luto na ang mga ito, lagyan ng suka (mga 1/4 cup lang), tandaan ang golden rule sa paglalagay ng suka, wag munang tatakpan o hahaluin pagkalagay ng suka ha.
6. Pagkatapos ng mga 5 minutes after nalagyan ng suka, takpan mo na at hintayin maluto ng tuluyan ang mga gulay. ( para sa akin, i prefer yung medyo over-cooked yung gulay, pero kayo pa rin masusunod, kayo kakain niyan e.)

O ayan, tapos na. Paulit-ulit ko itong sasabihin, hindi ako marunong mag-write down ng instruction. Intindihin niyo nalang po.

3 comments:

  1. Ayos! Nagimasen! I have been looking for the recipe for this, since I miss eating it! The salty-sour-sweet taste of the dish can wake up your senses!
    Thank you for the recipe/instructions!

    ReplyDelete
  2. Thank you! I love how my Aunt cooked this. Hope you were able to follow the instructions. Lol

    ReplyDelete
  3. Playtech Slots - JTM Hub
    At JTM, you can play Slots from all of the 구미 출장안마 best software 제주도 출장샵 providers: ✓ 양산 출장마사지 NetEnt, Microgaming, Evolution 대구광역 출장안마 Gaming, Pragmatic Play, Slots 밀양 출장안마

    ReplyDelete