Tuesday, 23 April 2013

Biko ( Traditional Rice Cake of the Philippines)

Eto ang isa sa napakaraming kakanin ng Pilipinas. Akala ko dati mahirap gawin ito. Sa Pilipinas kasi parang ang complicated ng pagluluto nito. Since namimiss ko ang Biko, nag-try ako na magluto nito (which i did successfully). Para sa niluto kong Biko, eto ingredients:

4 cups ng Glutinous Rice ( malagkit)
2 cans coconut milk
1 1/2 brown sugar or white
1 can jackfruit (langka)

For latik
1 can coconut oil

Paano ko niluto? Eto ang procedure:
1. Iluto ang malagkit sa rice cooker.
2. Habang hinihintay na maluto ang malagkit, sa isang pan, boil mo yung coconut milk then add yung sugar. Stir mo until na maging sticky na or nabawasan na ng halos kalahati yung coconut milk.
3. Ihalo na yung kaning malagkit. Continous mo lang na ihalo for 10-15 minutes.
4. Ihalo na yung langka. Mix mo mabuti para equally distibuted yung langka sa malagkit.
5. Pagkatapos, gawin mo naman yung latik. Boil mo yung coconut oil, continous mo lang din na stir until na may lumabas ng oil tapos makikita mo na magbubuo sila ng maliliit. Wait mo lang na mag-brown.
6. Yung oil sa latik, gamitin mo yun sa isang pan na paglalagyan mo ng nalutong Biko para hindi ito dumikit.
7. Ako kasi binake ko pa ang ginawa kong Biko, pero pwede ng hindi. Kung gusto niyo i-bake, set mo lang sa 350 degrees for 20 minutes.
8. Skip mo yung step 7 kung di mo bake. Ilagay na sa ibabaw, (toppings) yung latik..

Ayan ready to eat na! Sorry kung di ako masyado marunong sa instructions. Intindihin niyo nalang po. Enjoy your Biko express!!


No comments:

Post a Comment